Thursday, 31 March 2011

usapang bitay....ang aking opinion lamang...

march 30,2011  buong pilipinas nakatutok sa tatlong nahatulan ng kamatayan sa paraang lethal injection..at pati ako nakisubaybay, madaming taong nakisimpatya sa pamilya , nag dasal  at umaasang may himala at maisasalsalba ang buhay ng tatlo, isa ako sa nakaramdam ng may halong awa sa pamilyang maiiwanan, may halong panghinayan dahil may buhay na mawawala , pero kung ating bubusisiin .. hindi natin dapat ipag malaki or isiwalat  sa buong mundo na ang tatlong kabababayan natin ay bibitayin dahil sa kasalanan ilegal drugs,,di ba kasiraan un na parang sinabi na nating sinusuportahan natin ang mga maling gawain tulad ng ng ilegal drugs, di ba nila alam na madaming buhay ang nasira , may buhay na namatay , pamilyang nasira dahil sa droga... at wag nating sabihin biktima lang sila , kung ating iintindihin.,. sila pa nga ang nagbibiktima dahil sa drogang binebenta na sila ang nag aangkat.. walang biktimang maituturing sa tatlong nahatulan ng kamatayan., dahil alam nila ang hahantungan ang ginawa nila...narealize ko bakit nga ba ang ating gobyerno nag focus sa tatlong taong nagbigay kahihiyan sa ating bansa. at full support pa todo gastos sa china tour ng bawat pamilya ng tatlo.. di ba nila alam pera ng taung bayan ang ginastos nila .. at ginastos sa maling situation.. mahirap bang isipin na may tatlong hinatulan ng kamatayan dahil sa kasalanan nilang alam nilang kamatayan ang hahantungan pag nahuli sila , kasalanan nilang sanhi na ikakasira ng reputasyon ng pamilya nila at buong pilipinas.

sana ang ating gobyerno magising sa katotohan na walang maganda maidudulot ang pagfocus nila sa isyung ito.. madaming isyu n dapat tuunan pansin kesa sa isyung nagbibigay dungis sa ating mga pilipino... hayaan n natin ang dyos ang magpatawad sa mga nagkasala  or sa mga nagkamali sa issue na yan,,, isa lang ibig sabihin  nya kaya walang himalang ngyari sa kakadasal nila.. dahil parang inuutusan nila ang dyosa na ipawalang sala ang nagkasala ng ganun ganun nalang...magising na tayo sa katotohan, na walang magiging biktima kung wlang papabiktima...move on ika nga... as soon as posible. mas maige now na lol...

eto lang nmn ang aking opinion.. so kung may opinion kayo share nyo lang lol.....

No comments:

Post a Comment